SERVICES
Serbisyo sa mga Pamilya
Ang serbisyong ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa ng pamilya, sumusuporta sa mga biktima ng karahasan sa tahanan, nagpapahusay ng kaalaman ng publiko sa mga isyu sa karahasan sa tahanan, at nagtatatag ng magkakaugnay at kapwa kapaki-pakinabang na mga ugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga anak:
- Pamamagitan sa krisis
- Pagpapayo sa indibidwal at pamilya
- Edukasyon sa buhay pamilya
- Mga grupo ng suporta sa kalalakihan
- Mga grupo ng suporta sa kababaihan
- Edukasyon hinggil sa kalusugang pangkaisipan
- Day camps para sa mga bata
- After-four program (programa para sa mga bata pagkatapos ng eskwela)
- Mga pang-edukasyong workshop
Serbisyong Pangsuporta sa Kapitbahayan
Gumagana ang serbisyong ito upang mapagbuti ang kalidad ng buhay, bawasan ang mga hadlang sa pakikilahok, at wakasan ang pagkakahiwalay mula sa lipunan ng mga bagong dating at imigrante:
- Pagpapayong pangusporta
- Impormasyon at pagtukoy sa mga serbisyong kailangan
- Pagsagot sa mga pormularyo
- Paglapit sa mga serbisyong pangsuporta sa komunidad
- Pagsasalin
- Pag-aaplay sa mga benepisyong panlipunan
- Pag-aaplay sa panlipunang pabahay
- Mga pang-edukasyong workshop
Pagpapaunlad sa Komunidad at mga Boluntir
Tumatakbo ang serbisyong ito upang paganahin ang pakikilahok ng komunidad, maksimisahin ang paggamit sa mga rekursong pangkomunidad, at mabuo ang base ng boluntir para sa mga naninirahan sa Greater Toronto Area.
- Pagrerekluta at pagsasanay ng mga boluntir
- Networking at pakikipagtulungan sa ibang mga ahensya at organisasyon
- Mga pangkulturang pagdiriwang at pista
- Pagpapalakas ng mga kasanayan sa buhay
- Mga grupong pang-interes at panglibang
- Adbokasiya para sa pagkakapantay-pantay
- Suporta sa komunidad
- Suporta at pagpapaunlad sa komunidad ng mga Pilipino
- Suporta at pagpapaunlad sa komunidad ng mga Syrian
Serbisyo para sa mga Nakatatanda
Ang serbisyong ito ay nagbibigay ng mga aktibidad na naglalayong mapagbuti ang pangkaisipan at pisikal na kalusugan ng mga matatanda at nakatatanda sa pamamagitan ng pagpapanatiling aktibo at pagkonekta sa kanila sa mas malawak na komunidad.
- Pakikibahagi at pakikilahok ng komunidad
- Pagpapahusay ng pagboboluntir
- Pagpapalakas ng mga kasanayan sa buhay
- Senior drop-in
- Mga pang-edukasyong workshop
- Mga aktibidad na panlibang
Serbisyo para sa mga Kabataan
Ang serbisyong ito ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagbibigay-kapangyarihan sa mga indibidwal at pakikibahagi sa komunidad, bilang paraan upang mapahusay ang panlipunang pagsasama at malikhaing kakayanan ng kabataan, kabilang ang mga bagong dating na imigrante at dayuhang mag-aaral.
- Pagboluntaryo
- Trabaho sa summer
- Pagsasanay sa pamumuno at edukasyon sa mga kasanayan sa buhay
- Ugnayan at pakikibahagi sa komunidad