ABOUT US


Misyon

Ang S.E.A.S. Centre ay isang di-pangkalakal na ahensyang nagbibigay ng serbisyong panlipunan, na nagtataguyod ng indibidwal na kagalingan, nagpapahusay ng pagkakaisa ng pamilya, nanghihikayat ng pakikilahok sa komunidad ng tao mula sa lahat ng katayuan sa buhay, sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, pagkakataong magboluntir at mga gawaing pangkomunidad.

Bisyon

Tinatanaw namin and isang komunidad na malugod na tumatanggap, na sumusuporta sa maayos na pagsama ng mga bagong dating sa buhay sa Canada. Ito ay isang komunidad kung saan ang lahat ay maaaring lumago at kung saan ang lahat ay maaaring mag-ambag.

Ang Aming Kasaysayan

Ang S.E.A.S. Centre (SEAS) ay itinayo noong 1986 upang pangunahing pagsilbihan ang populasyon ng mga taga-Timong-Silangan Asya na naninirahan sa Regent Park bilang resulta ng pagdagsa ng mga imigrante at refugee sa mga taon bago ito. Ito ay nakilala noon bilang South East Asian Services Centre, at pinondohan ng Metro Toronto Housing Authority, Children’s Aid Society at Public Health Department ng City of Toronto. Ang unang Taunang Pangkalahatang Pulong ay ginanap at inihalal ang unang Lupon ng mga Direktor noong Oktubre 1987.

Sa umpisa, and SEAS may isang pultaym na manggagawa lang at nagbibigay lang ito ng serbisyong pang-settlement at edukasyon tungkol sa buhay pamilya, kasama ang mga hinihiram na kawani mula sa ibang mga ahensyang pangserbisyo sa kapitbahayan. Nang lumipas, pinalawak ang mga serbisyo upang makatugon sa lamalaking pangangailangan ng komunidad. Ipinatupad ang mga bagong serbisyo tulad ng pagpigil sa karahasan sa loob ng tahanan, pamamagitan sa krisis, pagpapayo sa pamilya, pagpapaunlad ng komunidad at mga boluntir, serbisyo para sa mga matatanda at kabataan, pagsulong ng kalusugang pangkaisipan, at mga aktibidad na pangkultural at panglibang. Pinalawak din ang mga komunidad na pinopokusan mula sa komunidad ng mga taga-Timong-Silangang Asya sa iba pang mga lahi.

Ang SEAS ay sumailalim sa mga malalaking pagbabago noong 1995. Sa taong ito, naging miyembro ito ng United Way of Toronto, at itinatag ang kauna-unahang sangay na tanggapan sa East China Town.

Noong 2001, naabot ng SEAS ang isa pang milestone sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan nito sa Support Enhance Access Services Centre upang mas angkop na masalamin ang mga serbisyo at mga grupo ng kliyente nito. Noong sumunod na taon, nagdagdag ang SEAS ang isang pang opisina sa North York. Noong 2009, pinalawak nito ang mga serbisyo nito sa City of Markham.

Bilang tugon sa patuloy na laki ng mga pangangailangan ng komunidad, ang S.E.A.S. Foundation ay itinatag noong 2013 upang makalikom ng pondo upang mapunan ang mga puwang sa serbisyo.

Isang pangunahing milestone ang naabot noong 2016 nang bumili ang SEAS sariling lugar nito. Mula noong, ang lokasyong iyo ay ang naging Administration Office at Scarborough Service Centre nito. Noong sumunod na taon, ikinasabik naming ilunsad ng mga serbisyo para sa komunidad ng mga Syrian sa kauna-unahang pagkakataon.

Ngayon, ang SEAS ay isang organisasyong pangmaramihang-serbisyo at di-pangkalakal, na nagbibigay suporta sa lahat ng taong nangangailangan, anuman ang kanilang lahi, nasyonalidad, kasarian, lipi, relihiyon, edad o sekswal na oryentasyon. Pinopokusan naming ang mga komunidad ng Tsino, Biyetnames at Pilipino.

BOARD

PATRONS

HON. VIVIENNE POY
- SENATOR (RETIRED)
MS. BARBARA HALL

ADVISORY COUNCIL

IRENE SO - CHAIR OF ADVISORY COUNCIL
HERMAN PAT - LEGAL ADVISOR
WILBERT LAI - ADVISOR
DENNIS AUYEUNG - ADVISOR
KENNY WAN - ADVISOR
SCOTT AU - LEGAL ADVISOR
GIN SIOW - ADVISOR


SERVICE BOARD DIRECTORS
2019 - 2020

DON HO - PRESIDENT
CLARENCE LI - IMMEDIATE PAST PRESIDENT
MICHAEL HO - VICE-PRESIDENT & CHAIR OF PROGRAM COMMITTEE
CONNIE LUNG - VICE-PRESIDENT & CHAIR OF HUMAN RESOURCES COMMITTEE
STEVE SUM - VICE-PRESIDENT & CHAIR OF COMMUNITY RELATIONS COMMITTEE
GRAYSON LEW - TREASURER
CANDY CHAN - SECRETARY
WINNIE KWAN - BOARD
PETER LY - BOARD
MA. VICTORIA MARIVIC FUENTES - BOARD
BEN LO - BOARD
ROY LI - BOARD
SARAH SALISE - BOARD
PHILIP TAM - BOARD
XIQIN LI - BOARD


FOUNDATION DIRECTORS
2019 - 2020

SUSAN GONG - CHAIR
MICHELLE CHU - IMMEDIATE PAST CHAIR & FOUNDING CHAIR
EDMUND TIN - VICE-PRESIDENT / TREASURER
GIN SIOW - VICE-PRESIDENT
SOPHIA SUM - VICE-PRESIDENT
GRAYSON LEW - VICE-PRESIDENT
SCOTT AU - LEGAL ADVISOR & BOARD
HENRY LEE - BOARD
JIM CHEUNG - BOARD
LENNY WONG - BOARD
MAY LY - BOARD
SHIRLEY LI - BOARD
NOLITA SHUM - BOARD
JOHN HUANG - BOARD
LUCY LI - BOARD
TERESA CHU - BOARD
CHI WING YAN - BOARD
LILIACEAE LI - BOARD

Copyright © 1987- S.E.A.S. Centre. All rights reserved. Registered Charitable Number 10799 5367 RR0001